Biyernes, Setyembre 21, 2012

Kalikasan Ikaw Ang Aming Kailangan


 Kapag nasira ang ating kalikasan, paano kaya tayo mabubuhay dito sa mundong ating kinatitirikan?
                                                               
Ang ating kalikasan ay isa sa ginawa ng Diyos na dapat alagaan at pagyamanin at ito ang mismong mundo na ating ginagalawan ngayon.  Tumutukoy ito sa mga kababalaghang nagaganap sa pisikal na mundo. Dahil sa mga mabubuting bagay na idinudulot sa atin dito ay may mga hayop na pwede nating kuhanan ng mga karne na siksik sa bitaminang protina at mga gatas na maaaring makagawa ng masarap na keso at isang napakalamig at napakasustansyang sorbetes na gawa sa sariwang gatas ng baka.  Ang ating kalikasan ang nagbibigay sa  ating mga pangangailangan at dapat natin ibalik ang lahat ng ibinigay sa atin ng ating kalikasan sa pamamagitan ng pag-aalaga natin sa kanya. Pero hindi natin ginagawa ang lahat ng ito at lalo pa natin sinisira ito. Ang pagtatanim ng puno ang pinakamadaling paraan ng pangangalaga sa ating kalikasan. Ang paggamit ng lambat na may katamtamang laki ng butas ay makatutulong naman sa ating mga yamang-dagat gamit ito nahuhuli natin ang mga isda na may katamtamang laki at hindi ang mga maliliit na isda na maaari pang lumaki ng lumaki. Ang ating mga likas na yaman ay kailangan natin para tayo ay mabuhay at sa ating paglaki. Ang polusyon ay masama sa ating kalusugan magkakaroon tayo ng malubhang sakit tulad ng “Tuberculosis”. Gumaganti na sa atin ang kalikasan binibigay na niya ang kapalit ng  pagsira natin sa kanya, ang mga kalamidad ang ganti niya tulad ng malaking pagbaha at mga pagguho ng lupa at mga bato.

Kayganda at kaylinis ng ating kalikasan, ang malamig at sariwang hangin ay humahalik sa aking mga pisngi at ang mga dahon na sumasayaw ayon sa bilis ng pag-ihip ng hangin, ang sarap pagmasdan ang mga batang lumalangoy sa isang malinaw na batis, naghuhuli ng mga isda sa mga malalalim na mga karagatan. Lahat ng ito ay magkakatotoo kung ang mga tao ay magigising sa katotohanan na ang ating kalikasan ay nasa panganib na.
                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                         Sanggunian:
Kalikasan
Diyos
Tuberculosis
  Picture of Nature

  

                                                        

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento